Thursday, August 9, 2012

SA TESDA MAY CHOICE KA!


Tatlo kaming magkakapatid. Dalawang lalake at ako ang nagiisang babae at ang bunso. Hindi nakapagtapos ang dalawa kung kuya dahil maaga sila nagsi asawa. Swerte na rin dahil nakapangasawa sila ng may trabaho at nakapagtapos ang mga asawa nila. Naging magada naman ang takbo ng buhay nila lalo na ang pangalawa kung kuya. 2years before nagkaroon ng matinding sakit ang asawa ng pangalawa kung kuya na humantong sa muntik ng kamatayan. Ng makalabas na sa hospital ang sister in law ko nakuha niya ang mana niya sa tatay niya na worth a million. Kailangan niya yun dahil life time na ang dialysis niya. Naging buhay hari ang kuya ko lahat ng gusto nila bili dito bili doon. Lumakas ulit ang sister in law ko siyempre kasi maraming pang pagamot at iba talaga ang nagagawa ng pera, Out of town dito out of town dun. hanggang sa maubos ang pera nila at ngayon ay nghihina na ulit ang asawa niya pumayat ito na halos butot balat yung mga may utang sakanila kanya kanya dahilan at ayaw magbayad.  Wala sila income at nasanla na lahat ng nabili nila pati yung computer shop na kabuhayan nila nalugi na. Hindi naman na pwedeng magtrabaho pa ang sister in law ko dahil mahina siya at nag dadialysis every other day. Ngayon hindi na nila alam san sila kukuha ng income.Ang dialysis ng sister in law ko ay tatlong libo isang session. Biruin mo sa isang linggo Php9,000 agad wala pa pamasahe. Pumayat nadin ang kuya kon sa pag aalala kasi kpag hindi nagpatuloy ang dialysis ni ate mamamatay ito. Ang anak nman nila isang beses nlang sa isang araw mag gatas. Isang umaga may may gronda na mga taga barangay sa subdivision naming. Inaanyayahan yung mga kapos sa pera na mag enroll sa tinatawag nilang TESDA. Marami silang ibat ibang kurso na meron. Nag ka ideya ang kuya ko na mag enroll. Pinili niya ang Food and Beverage training program. Matapos ang ilang linggo natapos niya ito at nagkaroon siya ng certificate. Makalipas ang ilang linggo mapalad siya at nakahanap siya ng magandang trabaho at kahit papano ay may pangtustos na siya sa mga pangangailangan nila. At maisasalba ang kalusugan ni ate, Hindi man kasing luho ng dati pero unti unti makakaahon na sila. Ngayon naiintindihan ko na ang slogan ng tesda na “ SA TESDA MAY CHOICE KA” may choice kang pumili ng kursong gusto mo at may choice ka kung gusto mo ba na umayos ang buhay mo o hindi. Sa tesda binibgyan ka nila ng pagkakataon para makaahon ng walang anumang kailanagan. Ang kailanagn mo lang ay tiyaga at determinasyon.  Maraming salamat sa tesda at kahit mga kapos palad na tao ay nagkakaroon ng pagkakataon umasenso. Minsan na pinakawalan ng kapatid ko ang oportunidad na makatapos siya pero pinili niya ang mag asawa kaya ngaun hinigpitan na niya ang kapit niya sa oportunidad na binigay sakanya ng TESDA!


No comments:

Post a Comment